Pagbasa mula sa unang Sulat ni
Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto (4:1-5)
Mga
kapatid, kami’y mga lingkod ni Kristo at katiwala ng
mga hiwaga ng Diyos-ganyan ang dapat na maging palagay ninyo sa amin. Ang katiwala’y
kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. Walang anuman sa
akin ang ako’y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao; ni ako ma’y di
humahatol sa aking sarili. Walang
bumabagabag sa aking budhi, ngunit hindi
nangangahulugang ako’y walang kasalanan.
Ang Panginoon ang humahatol sa akin. Kaya’t huwag kayong humatol nang wala sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Ilalantad niya ang mga bagay na ngayo’y natatago sa kadiliman at ipahahayag ang mga lihim
na hangarin ng bawat isa. Sa panahong
iyon, bawat isa’y tatanggap ng papuring nauukol sa kanya mula sa Diyos.
Ang Salita ng
Diyos.